HINDI BIRO ANG PUMASOK SA SEMINARYO

HINDI BIRO ANG PUMASOK SA SEMINARYO



Natatakot, Nagdududa, Nalulungkot.
Ito yung mga feeling ko bago ako pumasok at mag-exam sa seminaryo, para sa akin talagang kakaiba talaga ang skwelahang ito bukod sa katangi-tangi lang itong paaralang pampari sa bohol, ang kanilang pormasyon sa skwelahan ay kakaiba. Sisimulan na ang aking intorduksiyon.


Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang gusto. Ito’y maaring makabuti at maari ring makasama. Lahat ng ating ginugusto sa buhay ay ating ginagawan ng paraan upang makamit ito at mapagtagumpayan. Ngunit hindi lahat ng ating mga kagustuhan ay nagdudulot ng kaakibat at kabutihan sa ating lahat.
Ang paggawa ng desisyon ang pinakamalaking salik na kakaapekto sa pagtupad sa ating mga kagustuhan. Nagsisimula ang lahat ng ito sa paggawa ng desisyon. Ito ang unang hakbang upang makamit o mabalewala ang kagustuhan o nasa ating isipan.



Isa sa mga pinakakaibang kagustuhan na dumadating sa isang tao ay ang kagustuhang mag pari. Sinasabi ng marami na ito ay kusang dumadating sa damdamin ng isang lalak o baga’y tawag sa atin ng panginoon. Basta na lamang dumadating sa iyo na gusto mong maging pari at maging isa sa mga alagad ng diyos.
Mahirap panindigan ang desisyong pumasok sa seminaryo. Maraming mga balakid ang pagdaraanan bago ka maging isang ganap na pari. Mahirap panindigan at pangatawanan.
Ang pagiging moderno ng ating panahon ang isa sa mga pinakamalaking balakid para magtagumpay ang isang lalaki at maging isang ganap na pari. Mahirap paglabanan ang tawag nakasanayan. Ang kapaligirang iyong ginagalawan at nakakaapekto ng malaki sa lahat ng kilos at galaw ng bawat tao, pati ang mga nagseseminarista.
Ngunit bukod sa pagtalikod sa nakasanayang kapaligiran, marami pang mga salk ang nakakaapekto. Mga salik na nagiging hadlang. Pero kapag na overcome magiging matagumpay at isang ganap ang lalaking seminarista.

Layunin ng aking mga experience na nagdaan doon na mailahad ko sa inyo ang buhay ng isang seminarista. Bago pumasok, habang nasa loob at ang magiging resulta ng kanyang ginawang desisyon.


Ang mga suliranin sa pagpasok sa seminary:
Sa mga experiences ko doon at mga kwentong naiipon at tanong galing sa mga kapwa ko seminarista, sisikapin kong masagot ang mga karaniwang katanungan na nasa isipan ng bawat isa.



 Anu-ano bang mga pagsubok ang dapat mong panindigan pag-pumasok ng seminaryo.






Pamilya
-para sa akin ito ang maituturing ko na pinakaunang pagsubok sa buhay ng isang seminarista dahil pag-papasok ka ng seminary dapat ay iiwan mo ang iyong pamilya. Masakit man isipin pero dapat kakayanin.


Kapaligiran
-Malaki  ang epekto ng kapaligiran dahil parang bagong mundo ang nasa loob ng seminary. Natatandaan ko pa noong una akong pumasok doon, nung unang gabi ng pagtulog ko umiyak talaga ako doon dahil hindi sa nakasayang kapaligiran ako nakatulog.


Cellphone
-para sa akin nakikipanibago dahil sa labas kusang karaniwan mo lang nakikita ang pag gagamit ng cellphone kung saan unlike sa seminary na kahit keypad nga wala kang Makita doon. Matuturing pa rin itong malaking pagsubok sa buhay dahil sa ating edad ngayon naaakit na tayo sa cellphone at bawat indibidwal sa atin ay merong ganito. Malapit na akong mapalabas sa seminary dahil sa pagdadala nito mabuti na lang at pinatawad ako ng mga kaparian doon na ang nag- foform sa amin.


Relasyon
-Hindi relasyon sa magulang ang tinutukoy ko kundi yung common na sa ating mga teenager ang merong mga nobyo at nobya. Oo, bawal din sa seminary ang pagkakaroon ng ka-relasyon dahil ito ang nakakasira sa bokasyon na pinipili ng seminarista. Sa aking nararanasan doon, kapwa’t patago ang mga kapwa kong seminarista kung meron silang kasintahan dahil nalalaman na nag pari na pag meron kang kasintahan ay sigurado silang magdadala ka ng cellphone para pang-communicate sa kanyang kasintahan at dahil ditto marami na ang kasong mga seminarista na napapaalis dahil sa pagdadala ng cellphone at dahil ito sa relasyon. Ang pagkakaroon ng kasintahn ay hindi naman tuluyang pinagbabawal pero mayroong discouragement ang nangyayari. Ang mga gagawin nila ay dinidiscourage ang pagkakaroon ng nobya. Sinasabi kasi na kung papasok ka sa seminaryo, dapat malinaw sa iyong kaisipan na hindi ka magnonobya dahil ikaw ay para sa Diyos. Samakatuwid, hindi nila diretsyahang sinasabi pero gumagawa ng mga paraan at hakbang upang mapigilan ito.



Maraming mga dapat isaalang-alang bago pumasok sa seminaryo. Ang mga patakaran sa loob at labas ng seminaryo ay dapat sundin at may hatol na parusa para sa mga sumusuway dito.Napakadaming mga salik ang dapat isaalang-alang ng isang lalaki bago pumasok sa seminaryo. Mahigit 50% ng desisyon ng isang magseseminaresta ang nagmula sa pamilya particular sa magulang. Ang iba sa kanila ay pinahihintulutan ang iba naman ay hindi. Mayroon pa ngang naimpluwensiyahan ng mga magulang dahil napakakonserbatibong at relihiyoso ng pamilya. Yaong namang mga iba na hindi pinayagan ay nahirapan magpaalam ngunit pinanindigan ang desisyon kaya natuloy rin. Ang mga iba naman ay hinayaan lamang ng magulang sa kanilang desisyon. Ang lugar na kinalakhan ay maaring maging dahilan para pumasok sa seminaryo ang isang lalaki. Lahat ng mga kalalakihan na nais pumasok sa seminaryo ay dumaan muna sa ibat-ibang paaralan. Hindi ganoon kalaki ang hatak ng uri ng paaralan pero meron parin itong epekto sapagkat maaring ito ang maka impluwensya sa kanyang desisyon. Higit kailanman ay napakalaki ang bahagi ng katayuan sa buhay para sa paggawa ng kongkretong desisyon. Kadalasan pa nga ay dito nakataya ang kinabukasan mo. Samantalang kung papasok ka sa seminaryo ay maaring kapag maging iskolar, kadalasan pa nga ay may benefactor kaya kahit papano nakakapag-aral kahit kapos. Pero sabi nila noong unang panahon daw ay kadalasan pumapasok sa seminaryo ay yung mayayaman pero nagbago na ito sa paglipas ng panahon. Iyon ang mga salik na dapat talagang nating isaalang-alang, mga salik na aking pinaliwanag bago pumasok sa seminaryo. Dito nakasalalay kung tutulong o hindi ang isang lalaki sa pagpasok sa seminaryo. Ang desisyon ay maaring oo o hindi pero magpokus tayo sa pumasok sa seminaryo. Una nating isaalan-alang ay ang pag-aaral.Pinag-aaralan din doon sa seminary ang mga kasanayang pinagaaralan sa labas ngunit may mga karagdagan. Meong Latin na subject at yung Church History. 




Pagdating sa kolehiyo ang theologoy at philosophy naman ang bago, napakahirap daw ito pero buti na lang ay hindi na ako nagpatuloy doon sa kolehiyo. Bukod sa pag-aaral may ibang gawain ding pinapagawa sa loob ng seminary na kalianmay hindi mapapantayan sa ibang skwehlahan. Katulad ng, isports, paglilinis ng mga dorms,cr, classrooms,chapel, canteen, at marami pang iba. So, parang mahinuha mo na talaga na parang ikalawang buhay mo na ang seminaryo. Ang pagdarasal ay kapwa naming ginagawa at araw-araw ang pagkakaroon ng misa. Ang mga formator naming doon ay ang mga pari na talagang desiplinado. 




Maayos din naman ang pakikitungo ng mga ito sa amin pero mapait sila kung magalit dahil meron silang kakayahang mapag-alis ng seminarista. Dapat ka ding time-conscious dahil talagang mayroong iskedyul na dapat sundin, may oras ang lahat ng mga gawain. Sinasabi ngang ang buhay doon ay  tumatakbo na nakabase sa isang bell. Hudyat ito ng mga merong dapat  gawin, pagsisimula ng bagong gawain at pagtatapos. Dahil dito sadyang napakatahimik sa buong seminaryo, nakakabingi nga ang katahimikan dahil nga may oras lahat pati pag-iingay. Napakalaki ng pagkakaiba ng buhay sa labas sapagkat sabihin na nating may iskedul ang mga gawain natin dito sa labas pero kadalasan hindi ito nasusunod. Kaiba sa seminaryo na istrikto at nasusunod talaga. Sa pakikisama naman , may mga kagkakataon na maluwag ang mga pari at formator pero kadalasan lalo na pag-aaral ang pinag-uusapan., nagiging mahigpit at strikto sila. Pagdating naman sa kapwa seminarista, natural na dapat ay magkakasundo. Pero syempre tao rin sila ang mga seminarista kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan kadalasan ito ay dahil sa pag-aaral o kung hindi man ay dahil sa mga pang-araw-araw na gawaing bahay. Pero sa loob ng seminaryo ang paniniwala ang pinaiiral ay siyempre ang lahat ay dapat sa pagbubuting bawat isa at sa pagpupuri sa panginoon. Ang kabutihan ay tinitiyak  na laging mananaig.




Ang lahat ng aktibidades na kanilang ginagawa ay mayroong epekto sa kanilang buhay ngunit hindi lahat ng epekto ay nagdala o nagtulak sa kanila sa pagpapari.
Nilalayon ko na maipahayag o maihayag sa publiko ang buhay ng mga seminarista sa loob ng seminaryo. Upang masagot ang mga katanungan bumabagabag sa kaisipan ng mga gustong mag pari at ng mga mambabasa at upang mapunan ang kanilang kuryosidad. 


Ang pagdedesiyon o ang desisyon ng isang seminarista sa seminarista ang pinakamahalagang bagay dahil ito ang magiging batayan kung hanggang saan o hanggang kalian ang itatagal ng isang seminarista sa seminaryo. Tinatalakay ko din ang mga aspeto na maaring makapekto sa desison ng isang seminarista.




Paglalagom – ang buhay ay hindi madali. Sa aking pananaw batay sa aking mga experiences at  natuklasan. Kadalasang pumapasok ang mga tao sa seminaryo dahil sa kahirapan o sadyang gusto ang bagong karanasan ; dahil ang pagaaral daw sa seminaryo ay maganda at dito ay may mga benefactor na tutulong sayo para makatapos ka sa pag-aaral at matupad na maging pari. At sa seminaryo daw ay matututo ka rin dahil sa loob ng seminaryo ay may disiplina at dito ay marami kang matututunan para ay mas maging mabuting tao.

Mga Komento